Of Beginnings and Beyond

Wednesday, March 22, 2006

Bahay ni Bossing....

Ang Bahay ni Bossing ay puno ng saya

Ang Bahay ni Bossing ay hindi ka malulungkot

Kahit na sa pakiramdam mo ay nagiisa ka,

Nandyan pa rin sya sa iyong tabi.



Ang Bossing kong ito ay napakaunawain

Siya ay hindi nagtatanim at hindi nagkikimkim ng galit at sama ng loob

Siya ay mapasensya sa mga katulad ko


Ang Bossing kong ito ay mapagmahal

Alam na alam ko na mahal na mahal nya ako

Sa oras na ako'y nawawala sa aking landas

Nandyan sya para matuwid ko ang aking paroroonan

Siya ang aking Bossing....



Ang Bossing ko na puno ng pagmamahal

Ang Bossing ko na puno ng pagunawa

Ang Bossing ko na puno ng pasensya

Ang Bossing ko na puno ng kapatawaran


Ang Bossing ko na kailanman ay hindi ako iniwan sa aking tabi

Minsan pakiramdam ko na nagiisa na lang ako,

Pero mali pala ang aking akala kasi ang aking Bossing ay nandoon lang

palagi sa tabi kung saan ko sya makikita



Ang Bahay ni Bossing ay palaging bukas sa akin

Kahit anong oras sya ay handan akong harapin

Kahit na nagkasala na ako ay kaya pa rin nya akong patawarin

Kahit na ilang ulit na akong nangako sa kanya ay naiintindihan pa rin nya ako


Ang Bahay ni Bossing ay puno ng ligaya

Maaliwasay ang pakiramdam

Si Bossing ay masayahin at hanggad nya na maging maligaya ang lahat

Ang Bossing ko ay bossing din ninyo


Sa oras ng kagipitan sya ang tinatawag natin

Sa oras ng kabiguan sya ang palaging nandyan

Sa oras na kailangan natin sya palagi syang nandidyan lang

Si Bossing ay malapit sa aking puso

Kung saan man ako ngayon ay dahil sa aking mahal na Bossing



Bossing, salamat sa lahat. Mahal kita.

Posted By:CarmelaSolon @ 11:27 AM

0Your Thoughts:

Post a Comment

<< Home